Posts

Karapatang Sibil at Pampolitika

Image
    Ang  mga karapatang sibil at pampolitika  ay isang uri ng mga  karapatan  at mga  kalayaan  na nagsasanggalang o nabibigay ng proteksiyon sa mga  indibiduwal  mula sa hindi kinakailangang kilos ng  pamahalaan  at nagbibigay katiyakan o kasiguruhan sa kakayanan ng isang taong makiiisa sa buhay sibil at pampolitika ng  estado  na walang  diskriminasyon  o  paniniil . Kabilang din dito ang paniniguro sa pagkakaroon ng proteksiyon ng tao ukol sa kanyang pisikal na integridad, pagiging patas sa pagpapatupad ng proseso ng batas; proteksiyon mula sa diskriminasyon batay sa  kasarian ,  relihiyon ,  lahi ,  oryentasyong seksuwal ; kabilang pa rin ang kalayaang pampananampalatay o pananalig ng isang tao, sa pagpapahayag ng mga pananalita, ng pakikiisa sa ibang tao, kalayaan sa pamamahayag; at partisipasyong pampolitika. Sa ibang mga pakahulugan, maaaring tumukoy din ang karapatang sibil s...